Wednesday, June 17, 2009

HCC Baptism

HCC Journal
The Official Publication of Hillside Christian Church
F. Arban Street Extension, Rizal, Laguna, Philippines

Bagamat malakas ang ulan, masayang isinagawa ng Hillside Christian Church ang pagba-bautismo sa walong (6) bagong miyembro ng HCC sa pangungnuna ni Rev. Joseph C. Mauk, HCC Senior Pastor. Ang mga bagong miyembro ng HCC na sumunod sa tubig-bautismo ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Jay-R Guilla, Dely Urriza, Eara Austral, Erica Austral, Jahleel Pumar at Rebecca Amador. Ang nasabing pagba-bautismo ay isinagawa sa Rizal Re-Creation Center kaalinsabay ng HCC Outing noong ika-31 ng Mayo 2009. Ang mga nabanggit na bagong kasapi ng HCC ay suma-ilalim muna sa Baptismal Classes sa pagtuturo ni Bro. Dems Asacta.




Matapos maisagawa ang pag-bautismo, isinagawa rin ang fellowship game sa basketball ng mga kabataan, ang paglalaro sa gitna ng ulan, at swimming sa malamig na pool, ang Lord Supper at Fellowship Meal sa RRC Covered Court kung saan sa unang pagkakataon nakibahagi sa Lord Supper ang mga bagong kasapi ng iglesya. Kaugnay pa rin nito, isinagawa rin ang opisyal na pagtanggap bilang mga bagong kasapi ng HCC ang ilang kapatiran na nagpahayag ng pagnanais na lumipat HCC. Ang nagpayahag ng paglipat ay ang mga sumusunod: Ma. Victoria Tiquis, Kris Tricell Tiquis at Kristelle Tiquis, Demet Formales, Myrna Formales, Boyet Isleta, Chrisma Lachano at Nida Mamposti. Ang bawat isa ay nagpahayag ng kanilang maikling patotoo na kinapapalooban ng kung paano sila nagkaroon ng kaligtasan at kalian at saan sila nagpabautismo. Isinagawa ni Rev. Joseph C. Mauk. Ang seremonya sa pagtanggap ng mga bagong kasapi ng iglesya ay pinangunahan ni Bro. Gani Visey. Samantala ang programa ay pinangunahan ng mga kabataan sa pangunguna ni Bro. Nes.

Sa iba namang balita, nagpupuri at nagpapasalamat ang pamilya Masalunga at ang buong pamilya ng Hillside Christian Church sa matagumpay na operasyon ni Kapatid na Jazz Masalunga, isa sa miyembro ng Music Team. Si Jazz ay naoperahan sa buto kamakailan sa Philippine General Hospital, Maynila.

Samantala nagkaroon naman ng pagkakataon si Bro. Gani na makapagbahagi ng Salita ng Panginoon sa harap ng mga Young Professional sa isang Camp na isinagawa ng Immanuel Baptist Church noong May 29-30, 2009 sa Villa Sotoya, Nagcarlan, Laguna sa pangunguna ni Ptr. Jun Lazo.

No comments: